Breadcrumb

  1. Home
  2. Impormasyon sa Tagalog
  3. Mga Tanong sa Pre-Employment at mga Medikal na Tanong at Examination

Mga Tanong sa Pre-Employment at mga Medikal na Tanong at Examination

Ang ADA ay nagpapataw ng mga paghihigpit sa mga employer pagdating sa paghiling sa mga aplikante sa trabaho na sumagot ng mga medikal na tanong, sumailalim sa medical exam, o umamin kung may kapansanan.

Hindi puwedeng tanungin ng isang employer ang isang aplikante sa trabaho, halimbawa, kung siya ay may kapansanan (o tungkol sa uri ng isang halatang kapansanan). Hindi puwedeng hilingin ng isang employer sa isang aplikante sa trabaho na sumagot ng mga medikal na tanong o sumailalim sa isang medical exam bago magbigay ng job offer.

Puwedeng tanungin ng employer sa isang aplikante sa trabaho kung kaya nilang gawin ang trabaho at kung paano nila isasagawa ang trabaho. Pinapayagan ng batas ang isang employer na gawing kundisyon para sa alok ng trabaho ang pagsagot ng aplikante sa ilang partikular na medikal na tanong o matagumpay na pagpasa nito sa isang medikal exam, kung lahat ng bagong empleyadong may parehong trabaho ay kailangang sumasagot sa mga tanong o sumailalim sa exam.

Kapag na-hire ang isang tao at nagsimula na siyang magtrabaho, karaniwan ay maaari lang magtanong ang isang employer tungkol sa medikal o humingi ng medical exam kung kailangan ng employer ng medikal na dokumentasyon para suportahan ang kahilingan ng isang empleyado para sa akomodasyon o kung may dahilan ang employer para maniwalang hindi magagampanan ng isang empleyado ang isang trabaho nang matagumpay o ligtas dahil sa isang medikal na kundisyon.

Inaatas din ng batas ang lahat ng employer na panatilihing kumpidensyal ang lahat ng medikal na record at impormasyon at nang nasa hiwa-hiwalay na medical file.