Breadcrumb

  1. Home
  2. Impormasyon sa Tagalog
  3. Ang Suporta ng EEOC para sa Mga Kahilingan sa Pagbinbin ng Aksyon na May Kaugnay-sa-Imigrasyon sa DHS

Ang Suporta ng EEOC para sa Mga Kahilingan sa Pagbinbin ng Aksyon na May Kaugnay-sa-Imigrasyon sa DHS

Mga Madalas na Tanong

Q1: Ang U.S. Equal Employment Opportunity Commission (EEOC) ba ay tumatanggap ng mga kahilingan para suportahan ang pagpapasya sa pag-uusig na kaugnay-sa-imigrasyon sa uring pagbibinbin ng aksyon para sa mga indibidwal na maaaring biktima ng o mga saksi sa labag sa batas na diskriminasyon sa lugar ng trabaho?

A1: Oo. Kinukunsidera namin ang mga ganoong kahilingan depende sa bawat kaso na batayan. Matagal nang sinusuportahan ng EEOC ang paggamit ng U.S. Department of Homeland Security (DHS) ng pagpapasya sa pag-uusig para sa higit pang pagpapatupad ng mga batas sa loob ng hurisdiksyon ng EEOC. Kung nais ng mga indibidwal at/o ng kanilang mga kinatawan na suportahan ng EEOC ang kanilang petisyon sa DHS para sa pagbibinbin ng aksyon batay sa isang usapin sa diskriminasyon sa trabaho, dapat silang magsumite ng kahilingan para sa isang "Pahayag ng Interes" sa EEOC.

Q2: Paano gagawin ng mga indibidwal, o ng kanilang mga kinatawan, na hilingin sa EEOC na suportahan ang isang kahilingan sa DHS para sa pagbibinbin ng aksyon?

A2: Ang mga indibidwal o kanilang mga kinatawan ay dapat makipag-ugnayan sa EEOC Field Office  na pinakamalapit sa kanilang tinitirahan upang hilingin na ang EEOC ay magsumite sa DHS ng isang "Pahayag ng Interes" bilang suporta sa kanilang mga petisyon para sa pagpapasya sa pag-uusig na kaugnay-sa-imigrasyon. Ang kahilingan ay dapat ipadala sa pamamagitan ng email sa atensyon ng Direktor ng Distrito at ng Pangrehiyong Abugado ng partikular na field office. Para mag-email sa Direktor ng Distrito at Abugado ng Rehiyon ng field office, ipasok ang kanilang pangalan at apelyido sa sumusunod na pormat ng email: firstname.lastname@eeoc.gov.

Q3: Anong impormasyon ang dapat isama sa kahilingan para sa isang “Pahayag ng Interes”?

A3: Dapat kasama sa kahilingan:

  • Impormasyon para matukoy ang lugar ng trabaho na kasangkot sa nauugnay na pagsisiyasat o paglilitis ng EEOC;
  • Impormasyong may kaugnayan sa mga salik, na tinalakay sa Q4, na ikukunsidera ng EEOC kapag magpapasya kung magsusumite ng "Pahayag ng Interes" sa DHS. Kabilang dito ang impormasyon tungkol sa paghihiganti, may kaugnayan man sa imigrasyon o hindi man, o takot sa naturang paghihiganti, na malamang na humadlang sa mga empleyado na mag-ulat sa EEOC o makilahok sa mga pagsisiyasat o paglilitis nito.; at
  • Kontak na impormasyon para sa humihiling.

Huwag Isama:

  • Ang indibidwal na imigrasyong estado o kasaysayan; o
  • Sensitibong personal na nakakapagpakilalang impormasyon, tulad ng petsa ng kapanganakan o Individual Taxpayer Identification Number (ITIN).

Q4: Anong mga salik ang ikukunsidera ng EEOC kapag nagpapasya kung susuportahan ang kahilingan ng isang indibidwal sa DHS para sa pagbinbin ng aksyon?  

A4: Ang pagprotekta sa mga karapatang sibil ng mga indibidwal na lumalahok sa mga pagsisiyasat at/o paglilitis ng EEOC ay kritikal sa pagtupad sa utos ng ahensya sa pagpapatupad. Sa kasaysayan, ang EEOC ay sumuporta ng mga kahilingan para sa pagpapasya sa pag-uusig depende sa bawat kaso kung saan ang mga naturang kahilingan ay direktang umaayon sa interes ng EEOC na pigilan at lutasin ang labag sa batas na diskriminasyon sa trabaho sa lugar ng trabaho. 

Ikukunsidera ng EEOC ang mga sumusunod na salik: 1) Kung ang kahilingan ay nauugnay sa isang bukas o saradong pagsisiyasat o paglilitis ng EEOC, kabilang ang mga susunod na kilos ng kaugnay na paghihiganti; at 2) Kung ang pagbinbin ng aksyon ay makakatulong sa EEOC na maisakatuparan ang misyon at mga priyoridad nito sa pagpapatupad. Kung gayon, at sa pagpapasya nito, ang EEOC ay maaaring magbigay ng "Pahayag ng Interes" sa DHS na nagsasaad na ang EEOC ay naniniwala na ang paggamit ng DHS sa kanyang pagpapasya sa pag-uusig ay kinakailangan para sa EEOC na epektibong maisakatuparan ang misyon nito at sinusuportahan ng EEOC ang kahilingan nito para sa pagbinbin ng aksyon.

Q5: Ang mga indibidwal ba na humihiling ng "Pahayag ng Interes" ay dapat magsampa ng kaso ng diskriminasyon sa EEOC?

A5: Hindi, ang isang indibidwal ay hindi kailangang magsampa ng pormal na kaso ng diskriminasyon. Gayunpaman, kakailanganin ng mga indibidwal na ilarawan ang kanilang karanasan o impormasyon bilang nauugnay ito sa isang bukas o saradong pagsisiyasat o paglilitis ng EEOC at kung bakit naniniwala silang ang pagbinbin ng aksyon ay makakatulong sa EEOC na maisakatuparan ang misyon at mga priyoridad nito sa pagpapatupad..

Q6: Ang "Pahayag ng Interes" ba ay nagbibigay ng anumang katayuan sa imigrasyon, proteksyon, o kaluwagan?

A6: Hindi, kung ang EEOC ay magsusumite ng "Pahayag ng Interes" sa DHS, ang "Pahayag ng Interes" ay hindi nagbibigay ng anumang katayuan sa imigrasyon, proteksyon, o kaluwagan. Pinananatili ng DHS ang tanging pagpapasya kung gagamitin nito ang pagpapasya sa pag-uusig.

Q7: Ano ang mangyayari pagkatapos gumawa ng desisyon ang EEOC sa kahilingan ng isang indibidwal para sa isang “Pahayag ng Interes”?

A7: Kung ang kahilingan ng isang indibidwal ay pinagbigyan, ang EEOC ay direktang magsusumite ng "Pahayag ng Interes" sa DHS. Ang indibidwal o ang kanilang kinatawan ay makakatanggap din ng kopya ng " Pahayag ng Interes " para isumite kasama ang kanilang petisyon sa DHS.

Kung ang kahilingan ng isang indibidwal ay tinanggihan, hindi makikipag-ugnayan ang EEOC sa DHS tungkol sa kahilingang iyon. Gayundin, ang pagtanggi sa isang kahilingan para sa isang "Pahayag ng Interes" ay hindi magbabago sa pagpapatupad ng EEOC ng mga batas sa loob ng nasasakupan nito.

Q8: Maaari ba akong payuhan ng EEOC tungkol sa kung dapat akong humiling ng “Pahayag ng Interes”?

A8: Hindi, ngunit maaari kang kumunsulta sa isang abogado ng imigrasyon. Isang listahan ng mga organisasyong nagbibigay ng libreng serbisyong legal sa imigrasyon ay makukuha sa: https://www.justice.gov/eoir/list-pro-bono-legal-service-providers.

 

Bumalik sa Itaas