Breadcrumb

  1. Home
  2. Impormasyon sa Tagalog
  3. Mga Tanong sa Pre-Employment at Kapansanan

Mga Tanong sa Pre-Employment at Kapansanan

Sa ilalim ng batas, sa pangkalahatan ay hindi puwedeng magtanong ang mga employer tungkol sa kapansanan o humingi ng mga medical examination pagkatapos mabigyan ang isang aplikante ng kundisyunal na alok ng trabaho. Ito ay dahil, sa nakaraan, madalas na ginagamit ang impormasyong ito para pagkaitan ang mga aplikanteng may kapansanan bago masuri ang kanilang kakayahang magampanan ang trabaho.

Ang mga employer ay pinahihintulutang magtanong nang limitado bago mag-alok tungkol sa makatwirang akomodasyon kung sa paniniwala nila ay maaaring mangailangan ng akomodasyon ang isang aplikante dahil sa isang kapansanang halata o boluntaryong inamin, o kung saan inamin ng isang aplikante ang pangangailangan para sa akomondasyon.

Gayundin, bago mag-alok, maaaring tanungin ng mga employer kung mangangailangan ang aplikante ng akomondasyon para magampanan ang isang partikular na tungkulin sa trabaho, at kung ang sagot ay oo, puwedeng tanungin ng employer kung ano ang dapat na maging akomodasyon.

Ang employer ay hindi puwedeng magtanong tungkol sa uri o lala ng kapansanan bago mag-alok.  Gayunpaman, pagkatapos magbigay ng kundisyunal na alok ng trabaho, ang isang employer ay puwedeng magtanong tungkol sa kapansanan o humingi ng medical examination basta't ang lahat ng indibidwal na pinipili sa trabahong iyon ay tinatanong nang pare-pareho o ipinapasailalim sa parehong examination.