Breadcrumb

  1. Home
  2. Impormasyon sa Tagalog
  3. Mga Tanong sa Pre-Employment at Pag-anib o mga Paniniwalang Panrelihiyon

Mga Tanong sa Pre-Employment at Pag-anib o mga Paniniwalang Panrelihiyon

Ang mga tanong tungkol sa pag-anib o mga paniniwalang panrelihiyon ng isang aplikante (maliban kung ang relihiyon ay isang bona fide occupational qualification (BFOQ)), ay karaniwang itinuturing na hindi nauugnay sa trabaho at kaduda-duda sa ilalim ng pederal na batas.

Ang mga panrelihiyong korporasyon, asosasyon, edukasyonal na institusyon, o samahan ay hindi saklaw ng mga pederal na batas na ipinapatupad ng EEOC pagdating sa employment ng mga indibidwal batay sa kanilang partikular na relihiyon. Sa ibang salita, ang isang employer na may layunin at katangian na pangunahing panrelihiyon ay pinahihintulutang bigyang-pabor ang pag-hire ng mga taong may kaparehong relihiyon. Ang pagbubukod na ito ay pumoprotekta sa mga pangrelihiyong organisasyon laban sa ban sa diskriminasyon sa employment na batay sa relihiyon. Hindi nito ibinubukod ang naturang mga organisasyon sa pag-employ ng mga indibidwal dahil sa kanilang lahi, kasarian, pinagmulang bansa, kapansanan, kulay, at/o edad. Dapat iwasan ng ibang mga employer ang mga tanong tungkol sa pag-anib na panrelihiyon ng isang aplikante, gaya ng lugar ng pagsamba, mga araw ng pagsamba, at mga panrelihiyong holiday at hindi dapat sila humingi ng mga reference mula sa mga pinunong panrelihiyon, hal., ministro, rabbi, pare, imam, o pastor.