Breadcrumb

  1. Home
  2. Impormasyon sa Tagalog
  3. Mga Tanong sa Pre-Employment at Pinansyal na Impormasyon

Mga Tanong sa Pre-Employment at Pinansyal na Impormasyon

Kasama sa "pinansyal na impormasyon" ang kasalukuyan o nakaraang mga asset, liability, o credit rating, bankruptcy o garnishment, pagtanggi o pagkakansela ng bonding, pagmamay-ari ng kotse, pagrenta o pagmamay-ari ng bahay, haba ng paninirahan sa isang address, mga charge account, pagmamay-ari ng muwebles, o mga bank account.

Hindi hinahadlangan ng pederal na batas ang mga employer na magtanong tungkol sa iyong pinanasyal na impormasyon.  Gayunpaman, pinagbabawalan ng mga pederal na batas sa EEO ang mga employer na mag-discriminate sa ilegal na paraan kapag gumagamit ng pinansyal na impormasyon para gumawa ng mga desisyon sa employment.

Una, hindi puwedeng maglapat ang mga employer ng pinansyal na requirement sa iba-ibang tao batay sa kanilang lahi, kulay, pinagmulang bansa, relihiyon, kasarian, kapansanan, edad, o genetic na impormasyon.  

Pangalawa, hindi puwedeng magkaroon ang isang employer ng pinansyal na requirement kung hindi ito nakakatulong sa employer na tumpak na matukoy ang mga responsable at maaasahang empleyado, at kung ang requirement ay nakakapekto nang husto sa mga taong may partikular na lahi, kulay, pinagmulang bansa, relihiyon, o kasarian.

Pangatlo, ang isang employer ay puwedeng gumawa ng pagbubukod sa isang pinansyal na requirement para sa isang taong hindi makakatugon sa requirement dahil sa isang kapansanan.  

Dapat ding sundin ng mga employer ang Fair Credit Reporting Act (FCRA) na hindi ipinapatupad ng EEOC.  Ito ay ipinapatupad ng U.S. Federal Trade Commission.  Inaatasan ng batas na ito ang mga employer na sabihin sa iyo nang pagsulat kung magsasagawa sila ng background check.  Inaatasan din sila nito na kunin ang iyong nakasulat na pahintulot na gawin ito, at magpadala sa iyo ng mga partikular na paunawa kapag gagamitin nila ang impormasyon.  Kung gusto mong matuto pa tungkol sa FCRA, pakibisita ang http://www.ftc.gov/bcp/edu/pubs/consumer/credit/cre36.shtm, o makipag-ugnayan sa Federal Trade Commission sa 1-877-FTC-HELP (1-877-382-4357); TTY: 1-866-653-4261.  

Depende sa estado kung saan ka nakatira, maaaring mayroon ding mga batas ng estado na sumasaklaw sa paggamit ng mga employer sa pinansyal na impormasyon.