Breadcrumb

  1. Home
  2. Impormasyon sa Tagalog
  3. Ang Tungkulin ng Tagapagbigay ng pangangalaga sa Kalusugang Pangkaisipan sa Kahilingan ng Kliyente para sa Makatwirang Akomodasyon sa Trabaho

Ang Tungkulin ng Tagapagbigay ng pangangalaga sa Kalusugang Pangkaisipan sa Kahilingan ng Kliyente para sa Makatwirang Akomodasyon sa Trabaho

Maraming tao ang may karaniwang kondisyon sa kalusugang pangkaisipan ay may karapatan sa isang makatwirang akomodasyon sa trabaho sa ilalim ng Americans with Disabilities Act (ADA). Kapag humiling ng mga akomodasyon, maaaring kailanganin kung minsan ng mga kliyente ang suportang dokumentasyon mula sa kanilang mga tagapagbigay ng pangangalaga sa kalusugang pangkaisipan. Ipinapaliwanag ng Fact Sheet na ito ang batas ng makatwirang akomodasyon at ang tungkulin ng tagapagbigay ng pangangalaga sa kalusugang pangkaisipan sa proseso ng akomodasyon.

1.    Ano ang ADA?

Ang ADA ay isang batas pederal na batas na nagbabawal sa mga employer na may 15 o higit pang mga empleyado na mangdiskrimina batay sa kapansanan, at nagbibigay sa mga may kapansanang empleyado at mga aplikante ng isang karapatan ng makatwirang akomodasyon sa trabaho. Nagbibigay din ito ng mga karapatan sa labas ng konteksto ng pagtatrabaho, hindi natalakay dito.

2.    Ano ang Makatwirang Akomodasyon?

Ang isang makatwirang akomodasyon ay isang pagbabago sa mga paraang karaniwang ginagawa sa trabaho na tumutulong sa isang indibidwal na isagawa ang trabaho, mag-aplay para sa isang trabaho, o magtamasa ng pantay na pagkuha sa mga benepisyo at pribilehiyo ng isang trabaho. Kasama sa mga karaniwang makatwirang akomodasyon ang mga pagbabago ng iskedyul ng pahinga at oras ng trabaho (hal., pag-iskedyul ng trabaho sa panahon ng mga medikal na apointment), pagpapahinga mula sa trabaho upang makapagpagamot, mga pagbabago sa mga pamamalakad ng superbisor (hal., pagbibigay ng nakasulat na mga tagubilin, o paghahati-hati ng mga gawain sa maliliit na bahagi), pag-alis ng hindi mahalaga (o marginal) na tungkulin sa trabaho na hindi kayang gampanan ng isang tao dahil sa isang kapansanan, at telework. Kung saan ang isang empleyado ay matagumpay na nagtratrabaho sa kaniyang trabaho ngunit hindi na kayang gampanan dahil sa isang kapansanan nito, ang ADA ay maaari ding mangailangan ng paglilipat sa isang bakanteng posisyon kung saan kayang gampanan ito ng empleyado.Ito ay mga halimbawa lamang; ang mga empleyado ay malayang humiling, at ang mga employer ay malayang makamungkahi ng iba pang mga modipikasyon o pagbabago.

3.     Kailangan Bang Magkaroon ng Partikular na Kundisyon ang Aking Kliyente para Makakuha ng Makatwirang Akomodasyon?

Ang isang makatwirang akomodasyon ay maaaring makuha sa kahit anupamang kondisyon, kung hindi nagamot, "malaking limitasyon" sa isa o higit pang mga pangunahing aktibidad sa buhay, kabilang ang mga pagpapatakbo at aktibidad ng utak tulad ng pakikipag-usap, pag-concentrate, pagkain, pagtulog, pagkontrol ng isip o emosyon, pangangalaga sa sarili, at pakikisalamuha sa iba. (Ang kliyente ay hindi kinakailangang huminto sa pagpapagamot. Ang mga sintomas ng kliyente nang walang gamutan ay isinasaalang-alang lang upang matukoy kung ang tao ay may "kapansanan" sa ilalim ng ADA.)

Ang isang kundisyon ay hindi kailangang magresulta sa isang mataas na antas ng limitasyon sa pagganap upang maging isang “malaking limitasyon." Maaari itong maging kwalipikado sa pamamagitan ng, halimbawa, paggawa ng mga aktibidad ay mas mahirap, hindi komportable, o nakakaubos ng oras na maisagawa kumpara sa paraan ng pagsasagawa nito ng karaniwang tao. Dagdag pa rito, kung ang mga sintomas ng kliyente ay pabalik-balik, ang mahalaga ay kung gaano ito nagiging limitado sa kasalukuyan. Ang mga pederal na regulasyon ay nagsasabi na ang ilang mga karamdaman ay dapat na madaling matukoy bilang kapansanan, kabilang na ang pangunahing depressive disorder, bipolar disorder, post-traumatic stress disorder, obsessive compulsive disorder, at schizophrenia. Ang iba pang mga kondisyon ay maaari ring maging kwalipikado depende sa mga sintomas ng indibidwal. Dagdag pa rito, ang isang indibidwal ay maaaring maging kwalipikado sa isang makatwirang akomodasyon kung siya ay may kasaysayan na sa kapansanang lubos na nililimitahan.

Ang ADA, gayunpaman, ay hindi pinoprotektahan ang mga indibidwal na kasalukuyang gumagamit ng ilegal na droga, kung saan ang isang employer ay gumagawa ng aksyon batay sa naturang paggamit. Ang isang taong may kasaysayan na sa alkoholismo o pagkagumon sa droga ay maaaring may karapatan sa isang makatwirang akomodasyon, tulad ng pagpapahinga mula sa trabaho upang makapagpagamot. Gayunpaman, partikular na sinasabi ng ADA na ang mga employer ay hindi kinukunsinti ang mga empleyadong gumagamit o nasa ilalim ng impluwensya ng alak o ilegal na droga na nasa trabaho, o hindi kasiya-siyang pagganap o pag-uugaling may kinalaman sa paggamit ng alkohol o ilegal na droga.

4.    Anong Uri ng Makatuwirang Akomodasyon ang Maaaring Makuha ng Aking Kliyente?

Kapag ang iyong kliyente ay may kapansanan, ang employer ay kailangang legal na makabigay ng isang makatwirang akomodasyon sa iyong kliyente na makakatulong na magampanan ang trabaho nito. Kung higit sa isang akomodasyon ang puwede, maaaring piliin ng employer kung alin ang ibibigay. Gayunpaman, ang isang employer ay hindi maaaring hilingin na magbigay ng isang akomodasyon na hindi makatwiran (iyon ay, hindi kapani-paniwala o imposibleng gawin nang madali), o magdudulot ng malaking problema sa pananalapi o pagpapatakbo ng operasyon. Hindi rin kailangang gawing dahilan nito ang pagkabigo na matugunan ang mga pamantayan ng produksyon o mga alituntunin ng pag-uugali na parehong kinakailangan para sa pagpapatakbo ng negosyo at ipinapatupad nang pantay-pantay sa lahat ng empleyado, o piliting manatili sa trabaho ang indibidwal na hindi kayang gampanan ang trabaho kahit na may makatwirang akomodasyon.

5.    Kailan Mahalaga sa Aking Kliyente na Humiling ng Makatwirang Akomodasyon?

Dahil hindi kailangang gawing dahilan ng isang employer ang pagkabigo nito na matugunan ang mga pamantayan sa produksyon na patuloy na ipinatutupad, kahit na ang paghihirap ay dulot ng isang kondisyon sa kalusugan o mga epekto ng gamot, maaaring humiling ng akomodasyon para sa kapakanan ng iyong kliyente bago magkaroon ng anumang problema sa trabaho o lumala pa. Ang isang akomodasyon ay maaaring makatulong upang maiwasan ang pagdidisiplina o maging ang pagpapatalsik sa trabaho sa pamamagitan ng pagtulong sa iyong kliyente na maisagawa ang trabaho nang matagumpay.

6.    Paano Ko Matutulungan ang Aking Kliyente na Makakuha ng Makatwirang Akomodasyon?

Maaaring hilingin sa iyo ng iyong kliyente na idokumento ang kanyang kondisyon at ang mga kaugnayan nitong mga limitasyon sa pagganap, at maipaliwanag kung paano makakatulong ang hiniling na akomodasyon. Marahil ang konsultasyon ng employer sa isang propesyonal na tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan,ay gagamitin ang impormasyong ito upang masuri kung mabibigyan ng isang makatwirang akomodasyon, at kung mayroon man ay alin ito. Ang taong nagsusuri sa kahilingan sa akomodasyon ay maaari ding makipag-ugnayan sa iyo upang humingi ng paglilinaw sa iyong isinulat, o mabigyan ka ng karagdagang impormasyon na dapat na isaalang-alang. Halimbawa, maaaring maipagbigay-alam sayo ang tungkol sa isang partikular na tungkulin sa trabaho at matanong sayo kung ang hiniling na akomodasyon ay makakatulong sa iyong kliyente na maisagawa ito, o maaari kang tanungin kung ang ibang akomodasyon ay magiging epektibo kung saan, halimbawa, ang hiniling na akomodasyon ay maaaring lubhang napakahirap o magastos na maibigay ng employer.

Kinakailangan mapanatiling kumpidensyal ng mga employer ang lahat ng impormasyong may kinalaman sa hiling na makatwirang akomodasyon.

7.    Pinahihintulutan ba Akong Ibunyag ang Medikal na Impormasyon ng Aking Kliyente?

Hindi binabago ng ADA ang etikal o legal na obligasyon ng tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan.  Dapat kang humiling ng isang makatwirang akomodasyon sa ngalan ng isang kliyente o mabigyan ang employer ng medikal na impormasyon tungkol sa kliyente kung hihilingin niyang gawin ito at pumirma ng isang release form.

8.    Maaari Bang Mangdiskrimina ang Isang Employer Laban sa Aking Kliyente Dahil sa Impormasyong Ibinigay Ko?

Ipinagbabawal ng ADA na harasin ang iyong kliyente ng mga employer dahil sa isang kondisyon sa kalusugan sa pag-iisip, at pagpapatalsik nito o paggawa ng iba pang hindi kasiya-siyang aksyon laban sa iyong kliyente dahil sa isang kondisyon sa kalusugang pangkaisipan. Samakatuwid, kahit na ang impormasyong ibinigay mo ay nagpapakita na ang iyong kliyente ay hindi magampanan ang mga mahahalagang tungkulin ng trabaho kahit may makatwirang akomodasyon, ang employer ay hindi maaaring gumawa ng hindi kanais-nais na aksyon batay sa impormasyon.

Gayunpaman, ang mga employer ay paminsan-minsang nagdidiskrimina nang ilegal. Kaya't maaari mong talakayin sa iyong kliyente ang mga panganib na may kinalaman sa pagsisiwalat ng kundisyon (tulad ng potensyal na iligal na diskriminasyon), at sa hindi pagsisiwalat nito (tulad ng hindi pagkakaroon ng makatwirang akomodasyon na maaaring kailanganin upang magampanan ang trabaho).

9.    Anong Uri ng Dokumentasyon ang Makakatulong?

Maaaring mangailangan ang mga employer ng dokumentasyon na naglalaman kung paano nilililimitahan ang kundisyon ng iyong kliyente ang pagganap sa trabaho, at kung paano makakatulong ang isang akomodasyon na malampasan ang mga limitasyon. Gayunpaman, hindi mo dapat basta-bastang ibinibigay ang mga medikal na rekord ng iyong kliyente, dahil maaaring naglalaman ito ng hindi kinakailangang impormasyon. Ang dokumentasyon ay maaring makatulong sa iyong kliyente na makakuha ng makatwirang akomodasyon kung ipinapaliwanag nito, gamit ang simpleng pananalita, sa mga sumusunod:

  • Ang iyong mga propesyonal na kwalipikasyon at ang uri at haba ng iyong relasyon sa kliyente. Ang isang maikling pahayag ay sapat na.
  • Ang uri ng kondisyon ng kliyente. Batay sa iyong propesyonal na pagpapasiya, matukoy ang uri ng kalagayan ng kalusugang pangkaisipan ng kliyente, kahit na ang kliyente ay kasalukuyang hindi nakakaranas ng mga sintomas (hal., dahil sa paggamit ng gamot o dahil ang kondisyon ay bumababa o naglalaho na ang palatandaan at sintomas). Kung hihilingin sa iyo ng iyong kliyente na huwag ibunyag ang partikular na diagnosis, maaaring sapat nang ipahayag ang pangkalahatang uri ng disorder (hal., "isang anxiety disorder"), o ilarawan kung paano nililimitahan ng kondisyon ang paggana ng utak o iba pang pangunahing aktibidad sa buhay.
  • Mga limitasyon sa pagganap ng kliyente sa kawalan ng pagpapagamot. Inilalarawan ang saklaw kung saan ang kondisyon ay maaaring nililimitahan ang paggana ng utak, o isa pang pangunahing aktibidad sa buhay (hal., pag-concentrate, pakikipag-ugnayan sa iba, pagkain, pagtulog, pag-aaral, pagbabasa, pakikipag-usap, o pag-iisip), sa panahon ng walang terapiya, medikasyon, at iba pang gamutan. Kung ang mga sintomas ng kondisyon ay pabalik-balik, bumababa o naglalaho na ang mga palatandaan, ilarawan ang mga limitasyon sa panahong aktibo ito. Ito ay sapat na upang mabuo ang malaking limitasyon ng isang pangunahing aktibidad sa buhay.
  • Ang pangangailangan ng isang makatwirang akomodasyon. Ipaliwanag kung ano ang kondisyon ng kliyente ay gumagawa ng pagpabago sa trabaho na kinakailangan. Halimbawa, kung ang iyong kliyente ay nangangailangan ng isang akomodasyon na maisagawa ang isang partikular na tungkulin sa trabaho, dapat mong ipaliwanag kung paano ang ipinapakitang sintomas ng kliyente - kung ano ang mga ito, na mayroong gamutan – ginagawang mas mahirap ang pagganap ng trabaho.  Kung kinakailangan, hilingin sa iyong kliyente ang paglalarawan ng kanyang mga tungkulin sa trabaho. Limitahan ang iyong talakayan sa mga partikular na problema na maaaring makatulong ang isang makatwirang akomodasyon. Ipaliwanag din sa employer kung bakit maaaring kailanganin ng iyong kliyente ang isang akomodasyon tulad ng pagbabago ng iskedyul (hal., pagdalo sa apointment sa terapiya sa araw ng trabaho) o oras ng pahinga mula sa trabaho (hal.,pag-adjust sa isang bagong medikasyon, tumanggap ng gamutan ,o pagpapagaling).
  • Iminungkahing (mga) Akomodasyon.  Kung mayroon kang nalalaman sa isang epektibong akomodasyon, maaari itong imungkahi. Huwag labis na banggitin ang pangangailangan para sa isang partikular na akomodasyon, kung sakaling mangailangan ng isang alternatibo.

Karagdagang Impormasyon

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga makatwirang akomodasyon at diskriminasyon sa kapansanan, bisitahin ang website ng Equal Employment Opportunity (EEOC's) (http://www.eeoc.gov), o tawagan ang EEOC sa 800-669-4000 (boses) o 800-669-6820 (TTY).