Breadcrumb

  1. Home
  2. Impormasyon sa Tagalog
  3. Coverage ng mga Labor Union at Joint Apprenticeship Committee

Coverage ng mga Labor Union at Joint Apprenticeship Committee

Pangkalahatang Coverage

Ang mga batas na nagbabawal sa diskriminasyon sa lahi, kulay, relihiyon, kasarian (kasama ang seksuwal na oryentasyon, pagkakakilanlan sa kasarian, at pagbubuntis), pinagmulang bansa, kapansanan, at genetic na impormasyon (kasama ang medikal na kasaysayan ng pamilya) ay nalalapat sa lahat ng labor organization (organisasyon ng lakas-paggawa) na nagpapatakbo ng isang hiring hall o mayroong kahit 15 miyembro.

Mga Labor Union at mga Kasanayang Hindi Naaayon sa Batas

Ang isang labor union ay pinagbabawalang mag-discriminate sa kapasidad nito bilang isang employer, sa kapasidad nito bilang isang bargaining representative (kinatawan sa negosasyon) para sa mga miyembro nito, o isang ahensya ng referral o hiring hall. Hindi naaayon sa batas para sa isang labor union na tanggihan ang membership sa mga indibidwal dahil sa kanilang lahi, kulay, relihiyon, kasarian (kasama ang seksuwal na oryentasyon, pagkakakilanlan sa kasarian, o pagbubuntis), pinagmulang bansa, katandaan (simula 40 taong gulang), kapansanan, o genetic na impormasyon (kasama ang medikal na kasaysayan ng pamilya. Hindi rin naaayon sa batas para sa isang labor union na limitahan, paghiwa-hiwalayin o i-classify ang mga miyembro nito batay sa lahi, kulay, relihiyon, kasarian (kasama ang seksuwal na oryentasyon, pagkakakilanlan sa kasarian, o pagbubuntis), pinagmulang bansa, katandaan (simula 40 taong gulang), kapansanan, o genetic na impormasyon (kasama ang medikal na kasaysayan ng pamilya). Hindi naaayon sa batas para sa isang labor union na tanggihang i-refer ang isang miyembro para sa trabaho at/o tumangging maging kinatawan ng isang miyembro dahil sa lahi, kulay, relihiyon, kasarian (kasama ang seksuwal na oryentasyon, pagkakakilanlan sa kasarian, o pagbubuntis), pinagmulang bansa, katandaan (simula 40 taong gulang), kapansanan, o genetic na impormasyon (kasama ang medikal na kasaysayan ng pamilya) ng indibidwal na iyon.

Diskriminasyon ng Edad At Coverage

Ang batas na nagbabawal sa diskriminasyon ng edad ay pangkalahatang nalalapat sa mga labor organization (organisasyon ng lakas-paggawa) na nagpapatakbo ng isang hiring hall o mayroong kahit 25 miyembro.

Equal Pay Act At Coverage

Halos lahat ng labor organization ay saklaw ng Equal Pay Act (EPA), kung saan ilegal na magbayad ng magkakaibang sahod sa mga lalaki at babae kung halos magkatumbas ang trabahong ginagawa nila sa iisang lugar ng trabaho.

Mga Joint Apprenticeship Committee at mga Kasanayang Hindi Naaayon sa Batas

Ang batas ay sumasaklaw rin sa anumang joint labor-management committee na kumokontrol sa apprenticeship o iba pang programa ng training o retraining, kasama ang isang on-the-job training program. Hindi naaayon sa batas para sa naturang komite na mag-discriminate laban sa sinumang indibidwal dahil sa kanyang lahi, kulay, relihiyon, kasarian (kasama ang seksuwal na oryentasyon, pagkakakilanlan sa kasarian, o pagbubuntis), pinagmulang bansa, katandaan (simula 40 taong gulang), kapansanan, o genetic na impormasyon (kasama ang medikal na kasaysayan ng pamilya), sa pag-admit, o employment sa, anumang programang itinaguyod para magbigay ng apprenticeship o ibang training.

Pagpasya ng Coverage ng mga Labor Union at Joint Apprenticeship Committee

Kung hindi ka sigurado kung may coverage, dapat kang makipag-ugnayan sa isa sa mga field office namin sa lalong madaling panahon para magawa namin ang desisyong iyon. Mahalaga ring tandaan na, kung ang isang labor union o joint apprenticeship committee ay hindi saklaw ng mga batas na ipinapatupad namin, maaaring saklaw pa rin ito ng isang pang-estado o lokal na batas laban sa diskriminasyon. Kung ganoon nga, puwede ka naming i-refer sa pang-estado o lokal na ahensyang nagpapatupad sa batas na iyon.