Breadcrumb

  1. Home
  2. Impormasyon sa Tagalog
  3. Mga Tanong sa Pre-Employment at Pagkamamamayan

Mga Tanong sa Pre-Employment at Pagkamamamayan

Hindi dapat magtanong ang karamihan ng mga employer kung ang isang aplikante sa trabaho ay isang mamamayan ng United States bago mag-alok ng employment. Inaatasan ng INA ang mga employer na kumpirmahin ang pagkakakilanlan at pagiging kwalipikado para sa employment ng lahat ng empleyadong hinana-hire pagkatapos ng Nobyembre 6, 1986, sa pamamagitan ng pagkumpleto sa Employment Eligibility Verification (I-9) Form, at pagsuri sa mga dokumentong nagpapakita sa pagkakakilanlan at awtorisasyon ng employment ng empleyado. Ang ibang mga pang-estado at pederal na batas ay nag-aatas sa ilang employer na gamitin ang E-Verify. Pinagbabawalan ng pederal na batas ang mga employer na tanggihan ang mga valid na dokumento o humingi ng mga karagdagang dokumentong lampas sa kung anong kinakailangan para sa mga proseso ng Form I-9 o E-Verify, batay sa katayuan ng pagkamamamayan o pinagmulang bansa ng isang empleyado. Halimbawa, hindi puwedeng atasan lang ng isang employer ang mga iniisip ng employer na "banyaga" na magbigay ng mga partikular na dokumento, gaya ng mga Permanent Resident ("green") card o mga Employment Authorization Document (Dokumento ng Awtorisasyon ng Employment). Ang mga empleyado ay pinapayagang pumili kung aling mga dokumento ang ipapakita para sa pagkumpirma sa pagiging kwalipikado mula sa Listahan ng mga Katanggap-tanggap na Dokumento ng Form I-9. Dapat tanggapin ng mga employer ang anumang dokumentong hindi pa nag-e-expire mula sa Listahan ng mga Katanggap-tanggap na Dokumento basta't mukhang tunay ang dokumento at nauugnay ito sa empleyado.

Pinagbabawalan din ng pederal na batas ang mga employer na isagawa ang mga proseso ng Form I-9 at E-Verify bago tanggapin ng empleyado ang isang alok ng trabaho. Ang mga aplikate ay puwedeng bigyang-alam tungkol sa mga kinakailangang ito sa panahon ng pre-employment sa pamamagitan ng pagdagdag ng sumusunod na pahayag sa aplikasyon sa trabaho:

"Bilang pagsunod sa pederal na batsa, kakailanganin ng lahat ng taong maha-hire na kumpirmahin ang kanilang pagkakakilanlan at pagiging kwalipikadong magtrabaho sa United States at kumpletuhin ang kinakailangang form sa pagkumpirma sa pagiging kwalipikado sa trabaho kapag na-hire na sila."

Dapat gamitin ng mga E-Verify employer ang system nang pare-pareho at walang pagsasaalang-alang sa pagkamamamayan, katayuan ng imigrasyon, o pinagmulang bansa ng mga empleyado. Dapat din nilang abisuhan ang bawat empleyado na makakatanggap ng Tentative Nonconfirmation (TNC) at hindi dapat sila manghula tungkol sa awtorisasyon ng employment batay sa pagbibigay ng TNC. Kung pabubulaanan ng isang empleyado ang isang TNC, ang mga employer ay hindi puwedeng magpatalsik, magsuspinde, magbago ng iskedyul ng trabaho, mag-antala ng job placement o kung hindi naman ay gumawa ng anumang masamang aksyon laban sa empleyado dahil lang nakatanggap ang empleyado ng TNC.

Gaya ng inihayag sa itaas, ipinagbabawal ng INA ang diskriminasyon sa employment ng mas maliliit na employer (na may apat hanggang 14 na empleyado) batay sa pinagmulang bansa. Ipinagbabawal ng INA ang paghihiganti laban sa mga indibidwal dahil sa paggamit nila ng kanilang mga karapatan sa ilalim ng INA, o dahil sa paghain ng reklamo o pagtulong sa isang imbestigasyon sa ilalim ng INA. Ang mga reklamo ng diskriminasyon sa ilalim ng INA ay ipinoproseso ng Immigrant and Employee Rights Section (IER o Seksyon ng Mga Karapatan ng Imigrante at Empleyado) sa Civil Rights Division (Dibisyon ng mga Karapatang Sibil) sa Department of Justice (Kagawaran ng Hustisya). Para sa higit pang impormasyon, makipag-ugnayan sa IER sa mga numero sa ibaba (9:00 am-5:00 pm ET, Lunes-Biyernes) o bumisita sa website ng IER. Ang mga tawag ay puwedeng anonymous at kahit anong wika:

1-800-255-7688 (mga empleyado/aplikante)
1-800-255-8155 (mga employer)
1-800-237-2515 at 202-616-5525 (TTY para sa mga empleyado/aplikante at employer) www.justice.gov/ier